Ang Espiya
Buod:
Magsisimula ang kuwento sa isang kuwarto at ang
tagapagsalaysay. Sa panahaong ding iyon ay nagaganap ang isang digmaan.
Aalalahanin niya ang isang pangyayari sa kaniyang buhay, ito ay ang
pakikipagsapalaran nila ni Dorina sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Magisisimula ang pag-alala niya dito sa kaniyang paglalakbay patungong
Pinagbilaran. Sa paglalakbay ay makikita niya si Dorina. Di lumaon ay namuhay
sila rito ng tahimik ngunit isang pangyayari ang tatapos dito. Dadating ang mga
Hapon na hinahanap ang isang espiya. Bibigyan sila ng sampung araw upang ilabas
ang espiya kundi papatay sila ng limang katao kada isang araw. Sa ikasampung
araw, sa isang pagpupulong ay aamin si Dorina na siya ang espiya. Hahantong ito
sa pagpapatiwakal ng babae. Sa pagtatapos ng istorya, sasabihin ng
tagapagsalaysay na ang mga alaalang ito ay sariwa pa sa kaniyang isispan at sa
ang totoong espiya.
Reaksyon:
Hindi ko pa man natatapos ang istorya ay hinulaan ko
na ang tagapagsalaysay ang siyang totoong espiya dahil na rin sa mga ilang
kinikilos niya. Ito ay aking nahinuha noong inisip niya ang mga katagang hindi
niya dapat ginawa iyon. Marahil, para sa akin, ang ganitong pagpapahayag ay
katibayan na may alam siya kung sino ang totoong espiya. Kaya’t hindi na din
ako nagulat noong isinawalat niyang siya ang totoong espiya at hindi si Dorina.
Tumatatak din sa aking ang pangungusap na “at
naitanong ko sa aking sarili: hindi na ba magwawakas ang ganito? Hindi na ba
mawawala ang paghahangad ng tao sa sariling pagkadakila at ang pag-aalis ng
hadlang sa hangaring ito?”. Isa ito sa mga mangingilang-ngilang pangungusap
na kumatok at bumuhay sa aking kaisipan. Ginising nito ang aking isipan tungkol
sa digmaan lalo na sa panahong ito na kabi-kabila ang digmaan sa ating bansa at
pati na sa iba. Ito ay bigla ko ding naitanong sa akin sapagkat ang sitwasyong
kinalalagyan ng tagapagsalaysay ay sitwasyong ating nararanasan ngayon. Ito ay
ang paghikayat natin na labanan ang isa sa mga malalaking bansa sa Asya, ang
pagdedeklara ng digmaan sa mga teroristang kahit tayo ay hindi alam kung sino.
Isa ito sa mga akdang masasabi kong nagbukas ng aking
isip sa naiibang perspektiba. Binuksan nito ng mas malawak ang aking pusong
makabayan. Dahil ang akdang ito ang nagpakita sa akin na ang digmaan ay hindi
sagot sa lahat, dahil ang mga hamak na tao ang siyang nadadamay.