Martes, Mayo 19, 2015

Walong Taong Gulang
Buod:
Ito ay istorya ng isang guro at kaniyang estudyante. Ang estudyante ay isang batang hindi mahilig makihalubilo sa kapwa niya bata kahit na siya ay sinabihan ng kaniiyang guro na makihalubilo. Habang tumatagal, makikihalubilo ang bata ngunit hindi ito nagtatagal at babalikk sa pagiging matamlay ang bata. Sa pagtatapos ng istorya, malalaman ng guro ang estado ng pamumuhay ng kaniyang estudyante at malalaman niya ang kadahilanan ng pagiging matamlay ng bata.
Reaksyon:
Isa ito sa mga istoryang umantig sa aking damdamin at pumukaw ng aking paningin. Noong una, ako man ay nahiwagaan kung bakit ganoon ang ikinikilos ni Leoncio. Akala ko siya ay may nakikitang hindi nakikita ng isang ordinaryong tao. Pero sa parte kung saan tinanong ng guro kung bakit hindi siya kumain ng gulay at iba pang masusustansiyang pagkain at uminom ng gatas, doon ako nakatiyak na ang una ko akala ay mali.
Nakapukaw sina ang parte kung saan pumunta ang guro sa pamamahay ng estudyante at ang t7umambad sa kaniya ay katawan ng isang paslit sa banig. Noong iniimadyin ko ito, hindi ko maiwasang hindi maging malungkot. Para sa akin, ang mga ganitong bagay ay hindi tama para sa ibang bata. Ito ay isang pangyayarai, para sa akin, ay kalunos-lunos na makita.
Isa pa ay ang pag-alala ni Leoncio sa kaniyang ina noong umuwi na ang kaniyang guro. Nakakatuwa na makita ang isang paslit na gutom na gutom na ngunit nagawa pa rin niyang alalahanin ang kaniyang ina na ganoon din ang kalagayan. Isa ito sa mga pangyayari na hindi ko na nakikita sa panahon ngayon.

Nakakalungkot dahil ang istoryang ito ay hindi lamang isang katha kundi nangyayari sa ating bansa. Ito ay isa lamang sa libo-libong istorya tungkol sa pagiging matmlay ng isang bata dahil sa kahirapan. Ang ideya pa lamang na papasok ka sa paaralan ng walang kain at lalabas kang ganun pa rin ang kundisyon ay isang nakakakilabot na ideya kung iisipin. Papaano pa ang mga paslit nahindi lamang ganito ang nararamdaman? Na kahit sila ay umuwi ay hindi pa rin mabibigyan ng katiyakan na sila ay makakain? Iilan lamang ito sa mga napagtanto sa pagtatapos ng istorya. Pero mapaganoon pa man, ito ay nagpakita rin sa akin ng pagmamahal ng isang paslit sa kaniyang ina, bagay na unti-unti ng nawawala sa panahon nating ngayon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento