Luhod Kayo’t Mamumuno Ako
Buod:
Ito ay isang maikling kuwento tungkol sa
tagapgsalaysay at mga narinig niyang litanya mula sa mag-ina ni Hermana
Juliana. Ang mga susunod ay ang litanya na kung susuriin ay patungkol sa
kaniyang nararanasan sa kapaligirang kaniyang ginagalawan. Sa pagtatapos, hindi
matatapos ang litanya dahil sa pagihip ng malakas ng hangin.
Reaksyon:
Isa ito sa mga masasabi kong teksto hindi masyadong
mabigat basahin kahit na ang gustong ipahayag ng dagling ito ay isang mabigat
na mensahe patungkol sa pamahalaan noong panahong ito ay kaniyang isinulat.
Nagustuhan ko ang paggamit ng dasal na sa panahong iyong ay isa sa mga portal
upang matupad ang mga hinihiling. Sa kabilang banda, may pagaalinlangan pa rin
ako kung tama nga bang gamitin ang anyong padasal upang iparating ang nais na
matupdan ng tagapagsalaysay.
Ito ay ang nagbukas ng kaisipan, para sa akin kung ano
bang klase ng pamhalaan meron sa panahon isinulat iyon ni Bulalakaw. Siguro,
ganoon kasama ang pamahalaan noon na isinadasal ng tagapagsalaysay at ng
mag-ina ang kanilang mga ninanais na mga bagay na matupad. Ito rin ang
nagpakita na ang kanilang pamahalaan ay hindi naman nalalayo sa kasalukuyang
pamahalaan na ating “sineserbisyuhan” sa panahong ito.
Sumatotal, ang tekstong ito, bagama’t maikli at kahit
na ikaw ay gugugol lamang ng limang minuto upang basahin, ay nakakapagbukas ng
maraming kaisipan, partikular na sa pamahalaang ating gingalawan. Ito ay isang
tektong matutuirng kong tagapagsiwalat kung ano ba ang pamamalakad na ginagawa
ng mga nasa upuan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento