The House on Zapote Street
Buod:
Ito ay isang naiibang kuwento ng pagibig at kasawian.
Umiikot ang istorya kila Lydia at Leonardo. Noong una, ipakikita ng istorya ang
masayang pagsalubong sa kaniya ng kaniyang magiging biyenan na si Pablo. Sa
paglaon ay makikita ang naiibang bahagi ng biyenan na siyang magiging dahilan
ng kaniyang pagalis sa pader ng biyenan kasama ang asawa. Sa pagtatapos ng
istorya, ipakikita ang krimen na dulot ng isang hindi kapani-paniwalang
dahilan, ang pag-ibig ni Pablo sa anak na si Lydia.
Reaksyon:
Noong unang beses kong basahin ang istorya, para ako
mismo ang isa sa mga naksaksi sa krimeng ginawa ni Pablo. Hindi agad naproseso
sa aking isipan ang ideya ng naiibang “pagmamahal” ni Pablo kay Lydia dahil sa
gulat na aking nadama. Isama pa na hindi ko ito nararanasan sa araw-araw.
Katulad ng nauna ko ng sinabi, ang “incest: ay hindi
normal para sa akin dahil na rin sa ang aking lugar na kinalakhan ay isang
konserbatibong kapaligiran. Nakaramdam ako ng hilakbot dahil hindi ko inakala
na kayang pumatay ng isang ama para lamang hindi mapunta sa iba ang kaniyang
anak kahit na ang mga magiging kapalit nito ay buhay ng hindi lamang iisang tao
kundi tatlong katao, kabilang na ang sarili mong buhay.
Nakadagdag pa sa gulat na aking naramdam ng
mapag-alaman kong ang pangyayaring ito ay hindi lamang isang katha kundi isang
totoong pangyayari sa ating mundo. Noong una, inakala kong ito ay katulad
lamang sa “Comforter of the Afflicted” ngunit ng sabihin ng aking ng
tagapagulat na ito ay hinango sa isang totoong pangyayari, doon mas lalo akong
nanghilakbot.
Samakatuwid, nagustuhan ko ang istoryang ito hindi
dahil lamang sa kaisipang gusto nitong ihayag: na maaring mahalin ng isang
magulang ang kaniyang anak katulad ng pagmamahal ng isang tao sa kaniyang
kasintahan. Ito rin, marahil, ang isa sa mga istoryang inihabi ng may buong
husay dahil sa katotohanang hindi lamang ito isang katha kundi isang pangyayari
naganap sa mundong ating ginagalawan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento