Martes, Mayo 19, 2015

Ang Kuwento ni Lenina

Ang Kuwento ni Lenina

Buod:
Ito ay kuwento ng isang grupo ng bata at isang bagong salta sa kanilang lugar. Noong una ay hindi maimik ang bata kapag kanila itong kasama pero habang tumatagal ay nakikihalubilo na ito sa kanila. Habang lumalaon ay nagpapatuloy lamang ang para sa kanila’y mga normal na mga pangyayari. Sa pagtatapos ng istorya ilalahad ang totoong kaganapan sa bagong salta tungkol sa nagyari sa kaniyang pamilya.
Reaksyon:
Noong una kong basahin ang istorya, hindi ko inisip na si Lenina, na wlang imik, may mabigat na dinadal sa kaniyang ala-ala. Habang tumatagal ang pagbabasa ko ng istorya, doon ko na nabatid na hindi lamang isang ordinaryong ala-ala ang gustong limutin ng bata. Naantig ako doon sa parteng ng pagawit niya ng “Sa Ugoy ng Duyan”. Kahit na hindi mo naririnig ang aktwal na pagkanta ng bata ay alam mo na napakalungkot ng kaniyang pagkanta. Sa pagtatapos ng aking pagbabasa at sa oras na nabunyag na sa akin ang malagim na nangyari sa kaniya ay hindi ko napigilang maisip ang mga kabataang dumaranas din nito.
Ang kuwento ito ang nagbukas ng ilang kaisipan sa akin: Ano nga ba ang pinagdadaanan ng isang batang nakaranas ng ganitong malagim na pangyayari? Ano nga ba ang pakiramdam ng isang batang nakita ang pagkamatay ng hindi lamang mga magulang kundi ng buong pamilya?  At papaano natin sila maaring tulungan? Ito ay ilan lamang sa mga tanong na umikot sa aking isipan matapos kong basahin ito. Siguro hindi ko kayang sagutin kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng pamilya at masaksihan ang pagkawala nila ngunit ang tulong ang isa sa gustong kong sagutin ng mabilisan.
Ito rin ang nagbigay sa akin ng ideya na maraming bata ang wala sa tamang tahanan. Kung titignan ang tirahan ng magkakaibigan, ito ay isang mapanganib na lugar sapagkat nakataya ang kanilang kalusugan dahil sa dumi ng paligid. Nakakatuwa man tignan na kahit na ganoona ng kanilang tirahan, ito rin, para sa akin ay nakakabahala dahil nga sa nasabi kong rason.
Samakatuwid, ang kuwentong ito ay nakapagbukas ng isip ko hindi lamang sa aspekto ng sikolohiya ng mga bata dahil sa pinagdaanang pangyayari ni Lenina kundi pati ang pagkamtam ng isang bata sa kaniyang karapatan, ang karapatang mamuhay sa isang tirahang ligtas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento