Rosa
Buod:
Ito ay kuwento ng isang comfort woman at ang
mga salimuot na kaniyang pinagdaanan. Magsisimula ang istorya sa pagdaan sa
isang checkpoint ng grupo ni Rosa. Noong una, sila ay pararaanin ngunit
pababalikin si Rosa at dadalhin sa isang abndonadong ospital. Doon naranasan
niya ang isang pangyayari magiging bangungot para sa kaniya. Matatapos ang
istorya na si Rosa ay binibilang na lamang ang mga araw na nagdadaan habang
nagbibigay serbisyo sa mga sundalong Hapon.
Reaksyon:
Noong una, wala akong ideya kung ano ba ang
pinagdadaanan ng isang comfort woman. Dahil na rin sa ang mga aklat
tungkol dito ay itinatago ang bangungot na pinagdaanan ng mga ito. Ngunit noong
nabasa ko ang istorya ni Rosa Henson, ibinunyag nito ang mga masasakit na mga
alaala na idinulot ng pangyayaring ito.
Nakalulungkot lamang dahil ang mga pangyayaring ito
ay itinatago at hindi inilalabas sa ating mga aklat pangkasaysayan. Nahabag ako
doon sa parte noong siya ay dinakip na at siya ay ginahasa ng labindalawang
sundalo ng sunod-sunod. Doon pa lamang sa ideyang “labindalawang sundalong
sunod-sunod na guamahasa” ay hindi na makatao, para sa akin, papaano pa kaya
ang isang kinse anyos na dalagita?
Isa pa ay ang pangyayaring unti-unti na siyang
nawawalan ng pag-asa noong itinanong niya ang ”dadating din kaya ang araw
nalalaya kami”. Sa aking paningin, ito ay isang tanda ng kawalan ng pagasa.
Parang uniti-unti ay tintanggap na ng kaniyang katawan ang kalunos-lunos na
kaniyang kinahantungan. Unti-unti na
niyang tinatanggap na maaring dito na rin siya bawian ng hininga.
Para sa akin, ito ay isang istoryang kailangang
mabasa ng lahat dahil ang nilalaman nito ay hindi lamang isang istorya ng mga
sakit na naransan ng isang comfort woman kundi isang pangyayari sa ating
kasaysayan na dapat nating alalahanin upang hindi na mangyari pang muli.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento