Martes, Mayo 19, 2015

Ang Espiya
Buod:
Magsisimula ang kuwento sa isang kuwarto at ang tagapagsalaysay. Sa panahaong ding iyon ay nagaganap ang isang digmaan. Aalalahanin niya ang isang pangyayari sa kaniyang buhay, ito ay ang pakikipagsapalaran nila ni Dorina sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Magisisimula ang pag-alala niya dito sa kaniyang paglalakbay patungong Pinagbilaran. Sa paglalakbay ay makikita niya si Dorina. Di lumaon ay namuhay sila rito ng tahimik ngunit isang pangyayari ang tatapos dito. Dadating ang mga Hapon na hinahanap ang isang espiya. Bibigyan sila ng sampung araw upang ilabas ang espiya kundi papatay sila ng limang katao kada isang araw. Sa ikasampung araw, sa isang pagpupulong ay aamin si Dorina na siya ang espiya. Hahantong ito sa pagpapatiwakal ng babae. Sa pagtatapos ng istorya, sasabihin ng tagapagsalaysay na ang mga alaalang ito ay sariwa pa sa kaniyang isispan at sa ang totoong espiya.
Reaksyon:
Hindi ko pa man natatapos ang istorya ay hinulaan ko na ang tagapagsalaysay ang siyang totoong espiya dahil na rin sa mga ilang kinikilos niya. Ito ay aking nahinuha noong inisip niya ang mga katagang hindi niya dapat ginawa iyon. Marahil, para sa akin, ang ganitong pagpapahayag ay katibayan na may alam siya kung sino ang totoong espiya. Kaya’t hindi na din ako nagulat noong isinawalat niyang siya ang totoong espiya at hindi si Dorina.
Tumatatak din sa aking ang pangungusap na “at naitanong ko sa aking sarili: hindi na ba magwawakas ang ganito? Hindi na ba mawawala ang paghahangad ng tao sa sariling pagkadakila at ang pag-aalis ng hadlang sa hangaring ito?”. Isa ito sa mga mangingilang-ngilang pangungusap na kumatok at bumuhay sa aking kaisipan. Ginising nito ang aking isipan tungkol sa digmaan lalo na sa panahong ito na kabi-kabila ang digmaan sa ating bansa at pati na sa iba. Ito ay bigla ko ding naitanong sa akin sapagkat ang sitwasyong kinalalagyan ng tagapagsalaysay ay sitwasyong ating nararanasan ngayon. Ito ay ang paghikayat natin na labanan ang isa sa mga malalaking bansa sa Asya, ang pagdedeklara ng digmaan sa mga teroristang kahit tayo ay hindi alam kung sino.

Isa ito sa mga akdang masasabi kong nagbukas ng aking isip sa naiibang perspektiba. Binuksan nito ng mas malawak ang aking pusong makabayan. Dahil ang akdang ito ang nagpakita sa akin na ang digmaan ay hindi sagot sa lahat, dahil ang mga hamak na tao ang siyang nadadamay.
Rosa
Buod:
Ito ay kuwento ng isang comfort woman at ang mga salimuot na kaniyang pinagdaanan. Magsisimula ang istorya sa pagdaan sa isang checkpoint ng grupo ni Rosa. Noong una, sila ay pararaanin ngunit pababalikin si Rosa at dadalhin sa isang abndonadong ospital. Doon naranasan niya ang isang pangyayari magiging bangungot para sa kaniya. Matatapos ang istorya na si Rosa ay binibilang na lamang ang mga araw na nagdadaan habang nagbibigay serbisyo sa mga sundalong Hapon.
Reaksyon:
Noong una, wala akong ideya kung ano ba ang pinagdadaanan ng isang comfort woman. Dahil na rin sa ang mga aklat tungkol dito ay itinatago ang bangungot na pinagdaanan ng mga ito. Ngunit noong nabasa ko ang istorya ni Rosa Henson, ibinunyag nito ang mga masasakit na mga alaala na idinulot ng pangyayaring ito.
Nakalulungkot lamang dahil ang mga pangyayaring ito ay itinatago at hindi inilalabas sa ating mga aklat pangkasaysayan. Nahabag ako doon sa parte noong siya ay dinakip na at siya ay ginahasa ng labindalawang sundalo ng sunod-sunod. Doon pa lamang sa ideyang “labindalawang sundalong sunod-sunod na guamahasa” ay hindi na makatao, para sa akin, papaano pa kaya ang isang kinse anyos na dalagita?
Isa pa ay ang pangyayaring unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa noong itinanong niya ang ”dadating din kaya ang araw nalalaya kami”. Sa aking paningin, ito ay isang tanda ng kawalan ng pagasa. Parang uniti-unti ay tintanggap na ng kaniyang katawan ang kalunos-lunos na kaniyang kinahantungan. Unti-unti  na niyang tinatanggap na maaring dito na rin siya bawian ng hininga.

Para sa akin, ito ay isang istoryang kailangang mabasa ng lahat dahil ang nilalaman nito ay hindi lamang isang istorya ng mga sakit na naransan ng isang comfort woman kundi isang pangyayari sa ating kasaysayan na dapat nating alalahanin upang hindi na mangyari pang muli.
Walong Taong Gulang
Buod:
Ito ay istorya ng isang guro at kaniyang estudyante. Ang estudyante ay isang batang hindi mahilig makihalubilo sa kapwa niya bata kahit na siya ay sinabihan ng kaniiyang guro na makihalubilo. Habang tumatagal, makikihalubilo ang bata ngunit hindi ito nagtatagal at babalikk sa pagiging matamlay ang bata. Sa pagtatapos ng istorya, malalaman ng guro ang estado ng pamumuhay ng kaniyang estudyante at malalaman niya ang kadahilanan ng pagiging matamlay ng bata.
Reaksyon:
Isa ito sa mga istoryang umantig sa aking damdamin at pumukaw ng aking paningin. Noong una, ako man ay nahiwagaan kung bakit ganoon ang ikinikilos ni Leoncio. Akala ko siya ay may nakikitang hindi nakikita ng isang ordinaryong tao. Pero sa parte kung saan tinanong ng guro kung bakit hindi siya kumain ng gulay at iba pang masusustansiyang pagkain at uminom ng gatas, doon ako nakatiyak na ang una ko akala ay mali.
Nakapukaw sina ang parte kung saan pumunta ang guro sa pamamahay ng estudyante at ang t7umambad sa kaniya ay katawan ng isang paslit sa banig. Noong iniimadyin ko ito, hindi ko maiwasang hindi maging malungkot. Para sa akin, ang mga ganitong bagay ay hindi tama para sa ibang bata. Ito ay isang pangyayarai, para sa akin, ay kalunos-lunos na makita.
Isa pa ay ang pag-alala ni Leoncio sa kaniyang ina noong umuwi na ang kaniyang guro. Nakakatuwa na makita ang isang paslit na gutom na gutom na ngunit nagawa pa rin niyang alalahanin ang kaniyang ina na ganoon din ang kalagayan. Isa ito sa mga pangyayari na hindi ko na nakikita sa panahon ngayon.

Nakakalungkot dahil ang istoryang ito ay hindi lamang isang katha kundi nangyayari sa ating bansa. Ito ay isa lamang sa libo-libong istorya tungkol sa pagiging matmlay ng isang bata dahil sa kahirapan. Ang ideya pa lamang na papasok ka sa paaralan ng walang kain at lalabas kang ganun pa rin ang kundisyon ay isang nakakakilabot na ideya kung iisipin. Papaano pa ang mga paslit nahindi lamang ganito ang nararamdaman? Na kahit sila ay umuwi ay hindi pa rin mabibigyan ng katiyakan na sila ay makakain? Iilan lamang ito sa mga napagtanto sa pagtatapos ng istorya. Pero mapaganoon pa man, ito ay nagpakita rin sa akin ng pagmamahal ng isang paslit sa kaniyang ina, bagay na unti-unti ng nawawala sa panahon nating ngayon.
Luhod Kayo’t Mamumuno Ako
Buod:
Ito ay isang maikling kuwento tungkol sa tagapgsalaysay at mga narinig niyang litanya mula sa mag-ina ni Hermana Juliana. Ang mga susunod ay ang litanya na kung susuriin ay patungkol sa kaniyang nararanasan sa kapaligirang kaniyang ginagalawan. Sa pagtatapos, hindi matatapos ang litanya dahil sa pagihip ng malakas ng hangin.
Reaksyon:
Isa ito sa mga masasabi kong teksto hindi masyadong mabigat basahin kahit na ang gustong ipahayag ng dagling ito ay isang mabigat na mensahe patungkol sa pamahalaan noong panahong ito ay kaniyang isinulat. Nagustuhan ko ang paggamit ng dasal na sa panahong iyong ay isa sa mga portal upang matupad ang mga hinihiling. Sa kabilang banda, may pagaalinlangan pa rin ako kung tama nga bang gamitin ang anyong padasal upang iparating ang nais na matupdan ng tagapagsalaysay.
Ito ay ang nagbukas ng kaisipan, para sa akin kung ano bang klase ng pamhalaan meron sa panahon isinulat iyon ni Bulalakaw. Siguro, ganoon kasama ang pamahalaan noon na isinadasal ng tagapagsalaysay at ng mag-ina ang kanilang mga ninanais na mga bagay na matupad. Ito rin ang nagpakita na ang kanilang pamahalaan ay hindi naman nalalayo sa kasalukuyang pamahalaan na ating “sineserbisyuhan” sa panahong ito.

Sumatotal, ang tekstong ito, bagama’t maikli at kahit na ikaw ay gugugol lamang ng limang minuto upang basahin, ay nakakapagbukas ng maraming kaisipan, partikular na sa pamahalaang ating gingalawan. Ito ay isang tektong matutuirng kong tagapagsiwalat kung ano ba ang pamamalakad na ginagawa ng mga nasa upuan.
The House on Zapote Street
Buod:
Ito ay isang naiibang kuwento ng pagibig at kasawian. Umiikot ang istorya kila Lydia at Leonardo. Noong una, ipakikita ng istorya ang masayang pagsalubong sa kaniya ng kaniyang magiging biyenan na si Pablo. Sa paglaon ay makikita ang naiibang bahagi ng biyenan na siyang magiging dahilan ng kaniyang pagalis sa pader ng biyenan kasama ang asawa. Sa pagtatapos ng istorya, ipakikita ang krimen na dulot ng isang hindi kapani-paniwalang dahilan, ang pag-ibig ni Pablo sa anak na si Lydia.
Reaksyon:
Noong unang beses kong basahin ang istorya, para ako mismo ang isa sa mga naksaksi sa krimeng ginawa ni Pablo. Hindi agad naproseso sa aking isipan ang ideya ng naiibang “pagmamahal” ni Pablo kay Lydia dahil sa gulat na aking nadama. Isama pa na hindi ko ito nararanasan sa araw-araw.
Katulad ng nauna ko ng sinabi, ang “incest: ay hindi normal para sa akin dahil na rin sa ang aking lugar na kinalakhan ay isang konserbatibong kapaligiran. Nakaramdam ako ng hilakbot dahil hindi ko inakala na kayang pumatay ng isang ama para lamang hindi mapunta sa iba ang kaniyang anak kahit na ang mga magiging kapalit nito ay buhay ng hindi lamang iisang tao kundi tatlong katao, kabilang na ang sarili mong buhay.
Nakadagdag pa sa gulat na aking naramdam ng mapag-alaman kong ang pangyayaring ito ay hindi lamang isang katha kundi isang totoong pangyayari sa ating mundo. Noong una, inakala kong ito ay katulad lamang sa “Comforter of the Afflicted” ngunit ng sabihin ng aking ng tagapagulat na ito ay hinango sa isang totoong pangyayari, doon mas lalo akong nanghilakbot.

Samakatuwid, nagustuhan ko ang istoryang ito hindi dahil lamang sa kaisipang gusto nitong ihayag: na maaring mahalin ng isang magulang ang kaniyang anak katulad ng pagmamahal ng isang tao sa kaniyang kasintahan. Ito rin, marahil, ang isa sa mga istoryang inihabi ng may buong husay dahil sa katotohanang hindi lamang ito isang katha kundi isang pangyayari naganap sa mundong ating ginagalawan.

Ang Kuwento ni Lenina

Ang Kuwento ni Lenina

Buod:
Ito ay kuwento ng isang grupo ng bata at isang bagong salta sa kanilang lugar. Noong una ay hindi maimik ang bata kapag kanila itong kasama pero habang tumatagal ay nakikihalubilo na ito sa kanila. Habang lumalaon ay nagpapatuloy lamang ang para sa kanila’y mga normal na mga pangyayari. Sa pagtatapos ng istorya ilalahad ang totoong kaganapan sa bagong salta tungkol sa nagyari sa kaniyang pamilya.
Reaksyon:
Noong una kong basahin ang istorya, hindi ko inisip na si Lenina, na wlang imik, may mabigat na dinadal sa kaniyang ala-ala. Habang tumatagal ang pagbabasa ko ng istorya, doon ko na nabatid na hindi lamang isang ordinaryong ala-ala ang gustong limutin ng bata. Naantig ako doon sa parteng ng pagawit niya ng “Sa Ugoy ng Duyan”. Kahit na hindi mo naririnig ang aktwal na pagkanta ng bata ay alam mo na napakalungkot ng kaniyang pagkanta. Sa pagtatapos ng aking pagbabasa at sa oras na nabunyag na sa akin ang malagim na nangyari sa kaniya ay hindi ko napigilang maisip ang mga kabataang dumaranas din nito.
Ang kuwento ito ang nagbukas ng ilang kaisipan sa akin: Ano nga ba ang pinagdadaanan ng isang batang nakaranas ng ganitong malagim na pangyayari? Ano nga ba ang pakiramdam ng isang batang nakita ang pagkamatay ng hindi lamang mga magulang kundi ng buong pamilya?  At papaano natin sila maaring tulungan? Ito ay ilan lamang sa mga tanong na umikot sa aking isipan matapos kong basahin ito. Siguro hindi ko kayang sagutin kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng pamilya at masaksihan ang pagkawala nila ngunit ang tulong ang isa sa gustong kong sagutin ng mabilisan.
Ito rin ang nagbigay sa akin ng ideya na maraming bata ang wala sa tamang tahanan. Kung titignan ang tirahan ng magkakaibigan, ito ay isang mapanganib na lugar sapagkat nakataya ang kanilang kalusugan dahil sa dumi ng paligid. Nakakatuwa man tignan na kahit na ganoona ng kanilang tirahan, ito rin, para sa akin ay nakakabahala dahil nga sa nasabi kong rason.
Samakatuwid, ang kuwentong ito ay nakapagbukas ng isip ko hindi lamang sa aspekto ng sikolohiya ng mga bata dahil sa pinagdaanang pangyayari ni Lenina kundi pati ang pagkamtam ng isang bata sa kaniyang karapatan, ang karapatang mamuhay sa isang tirahang ligtas.